^

Police Metro

Balik ECQ ang NCR, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna

Malou Escudero - Pang-masa
Balik ECQ ang NCR, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Di­seases sa Pangulo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan umabot sa mahigit 9,000 ang naitalang bagong COVID cases kahapon.
AFP/Ted Aljibe

Simula Marso 29 hanggang Abril 4

MANILA, Philippines — Ipinasailalim muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong National Capital Region o Metro Manila kasama ang mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna sa enhanced community quarantine (ECQ) simula Marso 29 hanggang Abril 4, 2021 kasabay ng kautusan na pahabain ng 11 oras ang curfew mula alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Di­seases sa Pangulo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan umabot sa mahigit 9,000 ang naitalang bagong COVID cases kahapon.

Sinabi ni Roque na magpapatupad ng curfew sa mga nabanggit na lugar mula 6p.m. hanggang 5a.m. pero ang APOR at cargoes ay hindi sakop ng curfew.

Ani Roque, magkakaroon ng mga checkpoints para matiyak na mananatili sa kanilang mga tahanan ang mga “homeliners” at naipatutupad ang mga community quarantine protocols. Gayunman, ipinagbabawal ang pagharang sa checkpoints ng mga nagdadala ng supply at pagkain papasok sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.

Binawi rin ng gobyerno ang naunang desisyon na payagan ang religious gatherings sa ilalim ng ECQ at ipinagbabawal ang pagtitipon-tipon ng mahigit sa 10 katao sa labas ng kanilang tahanan. Maaari lamang lumabas ang mga bibili ng essential goods at services at mga nagtatrabaho sa mga pinahihintulutang negosyo tulad ng mga essential stores sa mall gaya ng groceries, pharmacies at hardware.

Hindi na papayagan ang pagkain sa mga restaurants kahit pa sa labas lamang at maaari lamang ang take-out at delivery.

Papayagan pa rin ang mga pampublikong transportasyon pero bababa ang kapasidad base sa ipalalabas na guidelines ng Department of Transportation.

Maaari ring magpatuloy ang mga construction projects at maaaring magpalabas ng mga panuntunan ang Department of Public Works and Highways.

Ipatutupad ang municipality/city scale lockdowns sa Cordillera Administrative Region (CAR), Quezon at Batangas na bahagi ng CALABARZON.

Ilalagay naman sa 50% capacity ang mga media establishments at mga manggagawa na accredited ng Department of Transportation.

Related video:

ECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with