Kamara nagluklok ng ika-33 deputy speaker
MANILA, Philippines — Nagtala ng kasaysayan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa pagtatala ng ika-33 Deputy Speaker sa ilalim ng liderato ni Speaker Lord Allan Jay Velasco.
Ito’y matapos na ihalal kahapon sa plenaryo ng Kamara si Biñan City Rep Marlyn “Len” Alonte bilang panibagong Deputy Speaker.
Sa sesyon ng plenaryo ay ini-nominate ni Deputy Speaker Juan Pablo “Rimpy” Bondoc si Alonte sa nasabing posisyon.
Samantalang, si 4th District Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay naman ay iniluklok bilang Deputy Majority Leader sa puwestong binakante ni Alonte.
Bilang Deputy Speaker ay may karapatan na magkaroon ng karagdagang pondo para sa kanilang mga staff at otomatikong magiging ex officio members ng lahat ng Komite ng Kamara na may kapangyarihang bumoto sa mga panukalang batas.
Si Velasco ang may pinakamaraming Deputy Speaker sa kasaysayan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa ilalim ng liderato ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ay 22 ang Deputy Speaker ng Kamara.
- Latest