^

Police Metro

Magsuot ng face mask sa bahay — DILG

Mer Layson - Pang-masa
Magsuot ng face mask sa bahay â DILG
Ang mga taong hindi masyadong nakasusunod sa pag-obserba ng minimum health protocols sa kanilang paglabas ng tahanan ay dapat pa ring magsuot ng face mask sa loob ng kanilang bahay upang matiyak na hindi mahahawahan ng virus ang kanilang mga kasama sa bahay.
Walter Bollozos, file

Kung may agam-agam sa lagay ng kalusugan…

MANILA, Philippines — “Kahit nasa loob ng kanilang tahanan sa gitna nang patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay dapat na magsuot ng face mask.”

Ito ang panawagang muli ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.

Ang mga taong hindi masyadong nakasusunod sa pag-obserba ng minimum health protocols sa kanilang paglabas ng tahanan ay dapat pa ring magsuot ng face mask sa loob ng kanilang bahay upang matiyak na hindi mahahawahan ng virus ang kanilang mga kasama sa bahay.

“Kung galing ka sa labas at medyo meron kang agam-agam dahil alam mong hindi ka sumunod sa mga protocol at pag-uwi mo sa bahay, meron kang kasama may comorbidity, may mga anak kang maliliit, better to be safe than sorry,” ani Malaya.

Sinabi pa ni Malaya na hindi lamang naman ang DILG ang nanana­wagan nang pagsusuot ng face mask sa loob ng tahanan, kundi maging ang Department of Health (DOH). - Danilo Garcia

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with