Operasyon ng sinehan atbp negosyo na nasa GCQ, sinuspinde
MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ng gobyerno ang operasyon ng mga sinehan at iba pang uri ng negosyo sa mga lugar na sakop ng general community quarantine (GCQ) upang mapababa ang bilang ng may COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, bukod sa sinehan, suspensido rin ang operasyon ng mga driving schools, videos at interactive game arcades, mga libraries, museums at cultural events.
“Una, pansamantalang sinususpinde ang operason ng driving schools, traditional cinemas, videos and interactive game arcades, mga silid aklatan or libraries, archives, museums at cultural events, mga limited social events at sa mga accredited establishments na inaprubahan ng DOT at limited tourist attractions except open-air tourist attractions,” ani Roque.
Ang mga meeting, incentives, conferences at exhibitions events ay magiging limitado sa essential business gatherings at hanggang 30 percent venue capacity lamang ang papayagan.
Habang ang mga religious gatherings ay kailangang sumunod sa maximum 30 percent ng venue capacity ng walang pagtutol o objection mula sa lokal na pamahalaan.
Binawasan din ang venue capacity ng mga dine-in restaurants, cafes, personal care services sa maximum 50 percent capacity.
Samantala, suspendido na rin ang mga operasyon ng sabungan kahit pa sa mga lugar na sakop ng modified general community quarantine (MGCQ).
- Latest