Top NPA leader dedo sa engkuwentro
MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng pamahalaan ang isang high-ranking NPA official sa isang engkuwentro sa Barangay Kimbutan, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.
Nakilala ang napatay na NPA ranking officer na si Rommel Tucay alias Steve,Isaac na siyang Secretary ng Kilusang Larangan Gerilya (KLG) Sierra Madre na nahaharap sa kasong homicide.
Sa ulat, isisilbi sana ng mga tropa mula sa 7th Infantry Division kasama ang Dupax-PNP ang warrant of arrest laban sa suspek, pero pinaputukan umano ng mga armadong NPA ang mga sundalo na nauwi sa limang minutong sagupaan na ikinasawi ni Tucay.
Narekober mula sa crime scene ang isang 9mm pistol, mga dokumento, 3 tablets, 7 smart phones, dalawang Icom radio sets, tatlong power banks at mga personal na gamit.
- Latest