^

Police Metro

Pagpapakalat ng mga pulis at sundalo, aprub sa Senado

Gemma Garcia - Pang-masa
Pagpapakalat ng mga pulis at sundalo, aprub sa Senado
Mahigpit na nakabantay ang mga tauhan ng Manila Police District sa mga mamimili sa Divisoria na panatilihing pinaiiral ang health protocols lalo pa nga’t tumataas ang kaso ng COVID sa lungsod.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Suportado nina Senate President Vicente Sotto III at Senador Panfilo Lacson ang plano na muling magpakalat ng mga pulis at sundalo sa iba’t ibang lugar para magpatupad ng quarantine minimum health standards sa gitna ng pagtaas sa kaso ng COVID-19.

Ayon kay Sotto, dapat na pagtiwalaan kung ito ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sila ang nakakaalam ng buong sitwasyon at mga statistics.

Para naman kay Lacson, kita naman ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at makatuwiran lang na gamitin ng gobyerno ang police power nito para masiguro na maaagapan at masawata ang pagkalat ng virus.

Iginiit pa ni Lacson na nasa ilalim pa rin ng public­ health emergency ang bansa base sa Proclamation  No. 922 ni Pangulong Duterte at naghihikahos pa rin ang Pilipinas para makarekober sa epekto ng pandemya. Aniya, dapat makipagtulungan ang mga sibilyan sa mga kautusan at pagsunod sa tamang health protocols na siyang susi para mapigilan ang pagkalat ng corona­virus.

Nauna nang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na ikinokonsidera ng Ehekutibo na mag-deploy ng mga sundalo at pulis para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa bansa partikular na sa National Capital Region (NCR).

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with