Mga lalapit kay Duterte lilimitahan ng PSG

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at hindi basta-basta makakalapit ang mga tao sa pangulo kahit nasa isang event venue siya at bilang paghihigpit ng PSG ay isa-isa umanong susuriin ang lalapit kay Duterte.
Presidential photo/Karl Norman Alonzo

MANILA, Philippines — Upang masiguro ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay lalong maghihigpit ang Presidential Security Group (PSG) sa mga event na dadaluhan nito sa Palasyo ng Malacañang.

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles at hindi basta-basta makakalapit ang mga tao sa pangulo kahit nasa isang event venue siya at bilang paghihigpit ng PSG ay isa-isa umanong susuriin ang lalapit kay Duterte.

Kabilang umano sa safety measures na ipinapatupad ay ang pagbabawal sa pagkuha ng litrato sa pangulo at pagsasailalim ng mga bisita sa COVID-19 test at symptoms checks gayundin ang pagsusuot ng face masks at social distancing.

Noong nakaraang araw ay nilimitahan lamang ng pangulo ang kanyang pagdalo sa mga events bilang pag-iingat sa COVID-19 kung saan limang events lang ang dinaluhan nito kabilang ang turnover ng Sinovac at AstraZeneca vaccines.

Show comments