PHLPost nagbabala sa e-mail scam

MANILA, Philippines — May panibagong babala sa publiko ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) hinggil sa e-mail scam na gumagamit ng pangalan ng kanilang tanggapan para makatangay ng pera sa mga nabibiktima.

Modus operandi ng indibiduwal o grupong nasa likod ng e-mail scam na padalhan ng email, text o social media messages ang target na lokohin para sabihang may dapat silang kunin na parcel o sulat sa PHLPost  na may kaukulang bayad.

“Pinapaalalahanan ng Philippine Postal Corporation (PHLPOST) ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga e-mail, text o social media messages na nagsasabing sila ay mayroong parsela o sulat na dapat kunin sa post office na may kaukulang bayad,” saad sa advisory na may petsang Marso 5, 2021.

Payo ng PHLPost, bago maniwala, iberipika muna ang tracking o parcel number sa Phlpost Customer Service sa Tel. No. 8527-0111 at 827-0107 upang makasiguro.

Maaari rin anilang magpadala ng mensahe kalakip ang mga nakuhang detalye sa Log in to Facebook.

Matatandaang noong Hulyo 2019, nagbabala rin ang PHLPost sa text scam at ginamit din ang kanilang tanggapan.

Pinadadalhan ng text messages ang bibiktimahin na may shipment o delivery siya ng mamaha­ling gadgets  at pinalalabas na ang mensahe ay mula sa PHLPost.

Show comments