MANILA, Philippines — Tuloy na ang pagtatayo ng Vitas High Rise Residential Building sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Maynila matapos makakalap ng pondo si Manila Representative Manny Lopez.
Ngayong umaga ay gaganapin ang groundbreaking ceremony na pangungunahan nina Lopez, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Bong Go at National Housing Authority Gen. Manager Marcelino Escalada Jr.
Ang Vitas High Rise Residential Building ay itatayo sa 3.5 ektaryang lupa. Ang first phase ay may laking 9,183.56 sq. m. na pagtatayuan ng tatlong 19-storey housing building na may 770 residential units.
Ayon kay Lopez, kapag naitayo na ito ay isa sa magiging pamana ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino.