Transaksiyon sa gobyerno pabilisin, cedula punitin
MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na naglalayong baguhin, gawing simple at pabilisin ang sistema ng transaksiyon sa gobyerno gaya ng pagrehistro ng negosyo, na dapat matapos sa loob ng isang araw lamang, na magpapabilis din ng serbisyo nito sa mga mamamayan.
Sa panukala ni Salceda na pinamagatang ‘Government Services Modernization Bill (HB 8455)’ babaguhin at gagawing simple ang mga preseso ng pamahalaan, gaya ng pag-alis ng ‘Community Tax Certificate (CTC)’ o ‘cedula’ na “napakatagal kunin ngunit wala namang katuturan.”
Sa ilalim ng panukala, binibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na suspendihen ang CTC o ‘cedula’ sa mga transaksiyon dahil “napatunayan na itong walang silbi sa maraming pagkakataon,” at alisin ang patung-patong sa mga otorisasyon at permiso sa loob ng Ehikutibong Sangay at magkaroon ng isang ‘comprehensive National Identification for Businesses’ na lamang.
Malimit din diumano na ang mahihirap na nakatira sa mga liblib na lugar at walang maipamasahe sa sasakyan, ay hindi nakatatanggap ng kanilang mga ‘social benefits’ kaya panukala din ng HB 8455 na iugnay na ito sa ‘nationwide database’ para makuha ito ng mga dapat tumanggap sa lahat ng dako sa bansa.
- Latest