Aktibidad sa Bulkang Taal tumataas
MANILA, Philippines — Tumataas ang aktibidad ng Bulkang Taal matapos makapagtala ng 50 pagyanig ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
“These tremor episodes ranged in duration from two to five minutes and occurred at shallow depths of less than 1 kilometer, signaling increased hydrothermal activity beneath Taal Volcano Island,” lahad ng PHIVOLCS.
Naitala ito simula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon nitong Lunes. Habang 68 na ito sa kabuuan mula pa noong Sabado.
Patuloy naman ang acidification ng tubig ng lawa mula pH 2.79 hanggang pH 1.59 simula Enero 2021 hanggang Pebrero 2021.
Nirerekomenda ng DOST-PHIVOLCS na patuloy na huwag papasok sa Taal Volcano Island- Taal’s Permanent Danger Zone (PDZ) lalo na sa bisinidad ng Main Crater at sa Daang Kastila fissure.
Pinag-iingat din ang mga residente doon na huwag mamalagi sa Taal Volcano island dahil sa posibleng ground displacement, ashfall, at minor earthquakes.
Walang pinapayagang anumang sasakyang panghimpapawid na lumapit sa may bulkan.
- Latest