^

Police Metro

Metro mayors kontra sa pagbubukas ng mga sinehan

Mer Layson - Pang-masa
Metro mayors kontra sa pagbubukas ng mga sinehan
Ayon kay Metro Manila Council chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, hihilingin nilang irekonsidera ng IATF ang pagpayag na makapagbukas muli ang mga sinehan.
Philstar.com/Erwin Cagadas

MANILA, Philippines — Kinontra ng mga Metro Manila mayors ang desis­yon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan nang magbukas ang mga sinehan sa lugar na nasa ila­lim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Metro Manila Council chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, hihilingin nilang irekonsidera ng IATF ang pagpayag na makapagbukas muli ang mga sinehan.

“Magkakaroon kami ng reservation. Baka mag-appeal kami sa IATF sa pagbubukas ng mga sinehan,” ani Olivarez, sa panayam sa radyo.

Sinabi ng alkalde na nakausap na niya si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at ipaparating nila sa IATF ang kanilang reserbasyon o manipestasyon hinggil sa pagtutol nila dito.

Ani Olivarez, hindi nagkaroon ng kaukulang konsultasyon tungkol sa mga specifics ng sinehan, na aniya ay enclosed o kulob, at matagal ang pagtitipon ng mga tao, sa loob ng isang air-conditioned room kaya’t mas malaki ang panganib na magkaroon ng hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tutol din ang Metro manila malyors sa pagbubukas ng mga video at interactive gaming arcades dahil dikit-dikit anila ito at enclosed din bukod pa sa hindi rin aniya pinapayagan ang mga bata na lumabas ng kanilang mga tahanan. - Ludy Bermudo

IATF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with