50% kapasidad sa religious gatherings pinayagan na

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinaluwag na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang restrictions sa mass gatherings para sa mga religious activities sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Simula Lunes, Pebrero 15 ay papayagan na ang 50% ng seating capacity sa mga religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinaluwag na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang restrictions sa mass gatherings para sa mga religious activities sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.

“Specifically, religious gatherings in GCQ areas shall be allowed up to 50% of the seating or venue capacity,” ayon kay Sec. Roque.

Inaprubahan din aniya ng IATF sa idinaos na 99th meeting ang reopening o muling pagbubukas at expansion ng mga sumusunod na businesses/industries gaya ng driving schools; traditional cine­mas, at video at interactive-game arcades; libra­ries, archives, museums, at cultural centers; meetings, incentives, conferences at exhibitions, at limited social events sa mga credited establishments ng Department of Tourism.

Inaprubahan din ang muling pagbubukas ng limited tourist attractions, gaya ng parks, theme parks, natural sites at historical landmarks.

Ang mga businesses/industries ay kailangan na mag-comply o sumunod sa strict observance ng minimum public health standards na itinakda ng Department of Health.

Show comments