Chinese New Year events sa Maynila, kanselado
MANILA, Philippines — Para masawata ang anumang posibilidad na kumalat pa ang COVID-19 dahil sa pagsisiksikan ng publiko sa mga aktibidad ay kinansela ngayong araw ang lahat ng uri ng aktibidad sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo at iba pang lugar sa Maynila.
Binanggit pa na maging ang China na siyang pangunahing nagseselbra nito ay kinansela na rin ang lahat ng uri ng aktibidad sa kanilang bansa.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ang pagsasagawa ng street party, stage shows, parada, palarong kalye, at iba pang similar na aktibidad tulad ng street dragon dance.
Bawal din ang lahat ng uri ng pagpapaputok na tradisyon na tuwing Chinese New Year at ang pagbebenta at pag-inom ng anumang uri ng alak.
Inatasan ni Moreno ang Manila Police District (MPD) at ang mga opisyal ng barangay na ipatupad ang naturang kautusan.
- Latest