Davao del Sur niyanig ng 6.3 magnitude lindol

Naglabasan ang mga shoppers sa Gaisano Mall sa Kidapawan City, North Cotabato matapos ang naganap na 6.3 magnitude lindol kahapon.
John Felix M. Unson

MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang bayan ng Magsaysay, Davao del Sur kahapon ng tanghali.

Sa inilabas na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol sa layong anim na kilometro Silangan ng Magsaysay, Davao del Sur dakong 12:22 ng tanghali.

Naitala ang lalim ng lindol sa 15 kilometro sa nasabing lugar at tectonic ang sanhi ng pagyanig.

Naramdaman ang Intensity V ng lindol sa Kidapawan City.

Naitala naman ang Instrumental Intensity V sa Koronadal City, South Cotabato; Instrumental Intensity IV naman sa Alabel at Kiamba, Sarangani; General Santos City.

Instrumental Intensity II naman ang naitala sa Cagayan de Oro at Gingoog, Misamis Oriental at Instrumental Intensity I sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental.

Bagaman at wala namang may naiulat na nasawi ayon sa NDRRMC, aasahan ang mga aftershocks at pinsala dulot ng malakas na lindol.

Show comments