Secret marshals vs riding-in-tandem hitmen
MANILA, Philippines — Upang paigtingin ang pagsugpo sa motorcycle-riding hitmen ay inilunsad kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang Tactical Motorcycle Riding Units (TMRUs) at “secret marshals on motorcycles.”
“While the use of motorcycles in the Philippines is a popular mode of transportation, motorcycles are also utilized by criminals to easily flee from a crime scene,” pahayag ni Police Chief Gen. Debold Sinas.
“[Motorcycle] provides increased maneuverability to navigate to narrow and crowded alleys, sidewalks, busy streets, and even major thoroughfares,” dagdag ng PNP chief.
Ayon dito na ang units at marshals ay magiging suporta ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO) na pagtutuunan ang high-priority crimes at magsasagawa ng preventive patrol assignments.
Dahil sa lockdown dala ng pandemya, bumaba ang krimen sa bansa.
Ngunit sa muling pagbubukas ng ekonomiya, inaasahan din ang pagtaas nito.
Paliwanag ng PNP na ang mga TMRU ay “strategically trained” bilang motorcycle-mounted patrollers na reresponde sa mga insidente.
Habang ang secret marshals ay mga “dedicated covert operatives” na magbabantay sa mga suspek sa riding-in-tandem. - Mer Layson
- Latest