MANILA, Philippines — Pumanaw na sa edad na 68-anyos na ang founder ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at dating commissioner na si Dante Jimenez.
Kinumpirma ni Arsenio Boy Evangelista, pangulo ng VACC na “aortic aneurysm” ang dahilan ng pagkamatay ni Jimenez.
Nabatid na si Jimenez ay isinugod sa Chinese General Hospital noong Biyernes ng gabi matapos umanong sumama ang pakiramdam. Matapos ang ilang oras, binawian din ng buhay si Jimenez.
Matatandaang si Jimenez ay kilala matapos na pamunuan ang VACC na lumalaban at tumutuligsa sa mga krimen at katiwalian sa bansa.
Itinalaga siya ni Pang. Rodrigo Duterte bilang chairman ng Presidential Anti- Crime Commission (PACC) para pangunahan ang paghahanap sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Agad namang nakiramay ang Malacañang sa naiwang pamilya ni Jimenez.
“PACC Chair Jimenez spent most of his productive life advocating a just and peaceful society for Filipinos by fighting criminality and corruption,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque. - Angie dela Cruz, Malou Escudero