^

Police Metro

510 Chinese nationals naaresto ng BI

Ludy Bermudo - Pang-masa
510 Chinese nationals naaresto ng BI

MANILA, Philippines — Inihayag ni Bureau of Immigration (BI) intelligence chief Fortunato Manahan, Jr., na nangu­nguna ang mga Chinese nationals  na mga dayuhan na lumalabag sa batas ng Pilipinas.

Nabatid na mayorya ng  510 illegal aliens na naaresto ng BI ay pawang Chinese nationals na kung saan ang 332 dito ay nadakip nitong nakalipas na 2020 dahil sa pagkakasangkot sa illegal online gaming at cybercrime activities.

Ayon naman kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang 510 na illegal aliens na naaresto ay napakababa kumpara sa 2,000 banyagang nadakip noong 2019, kung saan nangunguna pa rin sa laki ng bilang ang Chinese nationals.

Paliwanag ni Mo­rente, ang pagbagsak sa bilang ng mga naarestong illegal aliens ay dulot ng pagpapatupad ng community quarantine dahil sa pandemya.

Naging isyu ang pagdagsa ng mga Chinese national sa bansa kung kaya’t nagsagawa ng pagdinig ang mga mambabatas sa umano’y “pastillas” scheme, kung saan iniuugnay sa suhulan ang mga tauhan ng Immigration sa bansa.

CHINESE NATIONALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with