MANILA, Philippines — Nagpalabas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang Executive Order na naglalayong mapigilan ang pagtaas ng presyo ng manok sa bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pagpapalabas ng EO 123 upang kahit paano’y maibsan ang nararanasang epekto sa buhay ng mga mamamayan sa gitna ng patuloy na pandemya.
Sa ilalim ng rekomendasyon ng Board ng National Economic Development Authority o NEDA, dapat lang na panatilihin ang tariff rates na isinasaad sa EO 82 na inilabas naman noong 2019.
Isinasaad doon na kailangang maibaba ang duty rates ng hanggang limang porsiyento.
Nilagdaan ng Pangulo ang EO 123 nitong nakaraang Biyernes, Enero 15, 2021.