MANILA, Philippines — Bago nakipagkamay nang mag-courtesy sa Malacañang nitong Sabado ng hapon ay nilagyan muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ng alcohol ang kamay ni Chinese Foreign Minister Wang Yi.
Sa pagkikita ng dalawang lider, kitang-kita sa video na nag-sanitize muna si Duterte bago niya lagyan ng alcohol ang kamay ni Wang.
Ginawa rin ito ng pangulo sa iba pang mga opisyal na kasama ng foreign minister.
Si Wang ay nasa bansa para sa dalawang araw na official visit at sa nasabing courtesy call ay nanawagan ang pangulo ng pinalakas na kooperasyon sa China sa gitna ng pandemya.
Nangako rin ang presidente na palalakasin ang pagbangon ng ekonomiya ng parehas na bansa epekto ng pandemya.
Inihayag naman dito ni Wang na magbibigay ang China ng 500,000 COVID-19 vaccine sa Pilipinas.