MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng isang linggo ang deadline para sa Road Clearing Operation 2.0 (RCO 2.0) na isinasagawa ng mga local government units (LGUs) sa bansa.
Ayon kay DILG spokesman Usec. Jonathan Malaya, kasunod na rin ito ng kahilingan ng LGUs na bigyan pa sila ng mahaba-habang panahon para matanggal ang mga road obstructions sa kani-kanilang nasasakupan.
Sinabi ni Malaya na pinagbigyan naman ng DILG ang kahilingan ng mga LGUs, kaya’t sa halip na hanggang Enero 15 ay ginawa itong hanggang Enero 22, 2021 na lamang, habang ang balidasyon nito ay magsisimula sa Enero 25, 2021.
Ani Malaya, pumayag silang palawigin ang deadline dahil na rin sa pandemyang nararanasan ngayon sa bansa.
“We extended the deadline for RCO 2.0 because these are extraordinary times; we are in a pandemic and LGUs have a lot on their plate. We understand the request so the Department granted it,” aniya pa.