‘Di namin siya ni-rape

“When we transferred her over our room, we took care of her, she just kept on vomiting. If she was raped, she would have let us know what happened to her,” lahad ni Valentine Rosales sa panayam.
Contributed Photos

Respondents sa Dacera case…

MANILA, Philippines — Iginiit ng respondents na nabanggit sana ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera na siya ay pinagsamantalahan ng isa sa kanila kung ito ay may katotohanan.

“When we transferred her over our room, we took care of her, she just kept on vomiting. If she was raped, she would have let us know what happened to her,” lahad ni Valentine Rosales sa panayam.

“Sasabihin niya po ‘yun,” punto pa ni Clark Rapinan.

“Knowing Christine as my closest friend, na halos lahat ng ginagawa niya sinasabi niya sa’kin, for sure kung mayroong ginawa ang kabila, sasabihin niya sa’kin,” lahad ng isa pang respondent na si Rommel Galido.

Iginiit ng respondents na iniuugnay sa pagkamatay ni Christine Dacera na mabagal umanong rumesponde ang mga staff ng hotel nang mapag-alamang unconscious na ang biktima sa bathtub sa isang hotel room sa Makati City.

“Medyo mabagal kasi kami po nagpa-panic po kami na mabilis na kunin siya agad ganyan…” saad ni Clark Rapinan, isa sa respondents sa Dacera case.

“‘Yung medic staff po kasi did not perform any CPR, kumuha lang sila ng wheelchair, di ba pumunta sila, wala pa silang equipment. They said babalik sila, umalis sila cini-CPR siya (Dacera) nila Gigo, Rom and Clark tapos bumalik sila with wheelchair na,” lahad naman ni Valentine Rosales.

Ikinwento naman ni Rapinan na ang iba pang respondents na kinila­lang si Rommel Galido at Gregorio de Guzman ang nagsagawa ng CPR kay Dacera.

“Sobrang terrified po kami kasi wala siyang malay, para kaming nataranta tapos ‘yun nga, no pulse, no pulse… Tapos nag-CPR si Gigo and then ako, then Rommel. Nag-CPR kami, then tumawag na kayo ng hotel staff, ganyan. Duma­ting sila after three minutes, tinry namin siyang dalhin sa wheelchair,” paggunita pa ni Rapinan.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang pamu­nuan ng hotel kaugnay sa naturang pahayag.

Maaalalang iginigiit ng Philippine National Police (PNP) na si Dacera ay ginahasa bago patayin.

Show comments