MANILA, Philippines — Lumagda ng kontrata ang Philippine National Police (PNP) sa Israel para sa pagbili ng mahigit 13,000 units ng assault rifles, light machine guns at iba pa bilang bahagi ng modernisasyon ng mga kagamitan.
“The PNP has recently made history as several contracts for the procurement of security and defense equipment through government-to-government (G2G) transaction were inked in partnership with the State of Israel headed by (retired) Brig. Gen. Yair Kulas, director of IMOD-SIBAT, Ministry of Defense of the State of Israel,” pahayag ni PNP Chief P/General Debold Sinas matapos ang signing of contract agreement nitong Miyerkules.
Kabilang sa nilalaman ng procurement contracts ay para sa supply at delivery ng 13,457 units ng 5.56 MM basic assault rifle mula sa Emtan Karmiel, isang Israeli Weapons Manufacturer; 20 units ng 7.62 MM lights machine gun mula sa Israeli Weapons Industries; Intelligence component para sa PNP Mobile, Artificial Intelligence-Driven, Real –Time (SMART) policing program at iba pa.
Ayon kay Sinas, ang G2G mode ng acquisition o pagbili ng mga modernong kagamitan ng PNP ay nasa ilalim ng Section 4.2 alinsunod sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 9184 kung saan nakatipid ang PNP ng P107.7 M halaga mula sa pondo ng pamahalaan.
Sa ilalim ng kontrata ay isinara ng PNP ang procurement deal sa Israel para sa 5.56 MM basic assault rifles na kapareho ang kalidad ng rifles mula sa dating procurements na nagkakahalaga ng P35,280 per unit na higit na mas mababa ang presyo sa public bidding mula 2017 hanggang 2019 na nagkakahalaga ng mula P 42,000 hanggang P 87,000 kada unit.