^

Police Metro

Iwasang tumagay ng lambanog ngayong Pasko

Danilo Garcia - Pang-masa
Iwasang tumagay ng lambanog ngayong Pasko
Ayon sa DOH, marami nang namatay na Pilipino dahil sa ‘methanol poisoning’ dahil sa hindi ligtas na pagkakagawa ng lambanog.
File

DOH, FDA nagpaalala sa mga manginginom…

MANILA, Philippines — Para maiwasan ang pagkalason nga­yong selebrasyon ng Pasko ay nagpalabas ng babala ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Admi­nistration (FDA) sa mga manginginom na umiwas sa pagtagay ng lambanog lalo ang mga hindi naka­rehistro sa pamahalaan.

Ayon sa DOH, marami nang namatay na Pilipino dahil sa ‘methanol poisoning’ dahil sa hindi ligtas na pagkakagawa ng lambanog.

Kabilang ang lambanog sa produkto na kailangang iparehistro sa FDA para matiyak ang kalidad at kaligtasan nito sa publiko. Ngunit marami ang nagtitinda nito ng basta-basta na nauuwi sa trahedya.

“Huwag bibili ang ating mga kababayan ng mga hindi rehistradong mga produkto ng lambanog. But the more important thing is, ang alcohol dapat iwasan na rin natin dahil wala namang naidudulot po ito na kabutihan,” paalala ni Health Secretary Francisco Duque III.

Nakalista naman sa website ng FDA ang mga brand ng lambanog na ligtas inumin bilang gabay sa mga manginginom.

“Ang ingredients na ginagamit po nila ay talagang hindi magpo-produce ng methanol na nakakalason at nakakamatay. At hindi naman po mahal din itong mga lambanog na registered sa FDA,” paliwanag naman ni FDA Director General Dr. Eric Domingo.

vuukle comment

DOH

FDA

LAMBANOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with