Yap, namigay ng higit 2K tablets sa mga Benguet students

MANILA, Philippines — Mahigit 2,000 ang ipinadala ni ACT-CIS at Benguet caretaker Cong. Eric Yap sa ilang high school students sa Benguet matapos nitong marinig ang kanilang mga Christmas wish.

Ayon kay Cong. Yap, “Kailangan daw ng mga mag-aaral ng gadgets para sa mga research at iba pang project na kasama sa kanilang curriculum.”

Ipinadaan ni Yap ang pamamahagi ng mga nasabing tablets sa mga mayor ng lalawigan.

“Alam ko pong kara­mihan sa mga taga-Benguet ay mga magsasaka kaya medyo hirap silang maibili ang mga anak nila ng gamit,” ani Yap.

Nangako naman ang mambabatas na isusunod niya sa darating na taon ang pagpapalakas ng internet connections sa lugar sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa telecommunication companies.

“Kailangan ding su­ma­bay ng mga kababayan natin sa easy accessibility ng internet dahil halos lahat ng transaksyon ay ginagawa na sa pamamagitan ng internet,” dagdag pa ni Yap.

Show comments