MANILA, Philippines — “Kahit saan man sila magpunta o sa oras na lumabas na sila ng kanilang bahay ay kinakailangan na ngayong suotin ng mga Filipino ang kanilangg face mask at face shield.”
Ito ang inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos magpulong ang policy-making Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa layunin na pabagalin ang pagkalat ng COVID-19 ngayong holiday season.
Dapat umanong full face-shield ang isuot at hindi pwede ang mga pangkalahating mukha lamang.
Matatandaang, ang ni-require lamang ng pamahalaan ay ang pagsusuot ng face shields sa loob ng establisimyento.
Samantala, hinikayat ng OCTA Research ang national at local governments na magtulungan para malimitahan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pagpapataas ng “testing, contact tracing, isolation and quarantine,” at implementasyon ng “small, targeted lockdowns para ma-contain ang “super-spreading events” sa komunidad.
Umapela rin ito sa publiko na iwasan ang matatao at enclosed areas at umiwas sa pagsali o pag-organisa ng social gatherings ngayong Christmas season.
Related video: