^

Police Metro

Face mask, face shield required suotin kahit saan – Palasyo

Gemma Garcia - Pang-masa
Face mask, face shield required suotin kahit saan â Palasyo
Naglagay ang Quezon City government ng estatwa ng isang matandang lalaki na nakasuot ng face mask at face shield sa kahabaan ng Sct. Tobias, Brgy. Roxas District bilang bahagi ng pagpapaalala para sa pag-iingat sa virus.
Boy Santos

MANILA, Philippines — “Kahit saan man sila magpunta o sa oras na lumabas na sila ng kanilang bahay ay kinakailangan na nga­yong suotin ng mga Filipino ang kanilangg face mask at face shield.”

Ito ang inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos magpulong ang policy-making Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa layunin na pabagalin ang pagkalat ng CO­VID-19 nga­yong holiday season.

Dapat umanong full face-shield ang isuot at hindi pwede ang mga pang­kalahating mukha lamang.

Matatandaang, ang ni-require lamang ng pamahalaan ay ang pagsusuot ng face shields sa loob ng establisimyento.

Samantala, hinikayat ng  OCTA Research ang national at local governments na magtulungan para malimitahan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pagpapataas ng “testing, contact tra­cing, isolation and qua­rantine,” at implementasyon ng “small, targeted lockdowns para ma-contain ang “super-spreading events” sa komunidad.

Umapela rin ito sa publiko na iwasan ang matatao at enclosed areas at umiwas sa pagsali o pag-organisa ng social gatherings ngayong Christmas season.

Related video:

CO­VID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with