MANILA, Philippines — Hindi naging hadlang ang problema sa house speakership para maantala ang pagpasa sa 2021 national budget. Ayon kay House Appropriation Chairman at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap, nasunod ng Kongreso at Senado ang hiling ng Palasyo na maipasa ang budget bago matapos ang taon.
“We made sure na hindi maapektuhan ang usapin sa budget kahit nagkaroon ng problema sa lideraro ng Congress few months ago” sabi ni Cong. Yap.
Ani Yap, kahit nagkaroon ng sigalot sa House Leadership ay hindi nadamay ang pagpasa sa budget.
Sinabi ni Yap na ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang bagitong mambabatas at miyembro pa ng Partylist ang naging chairman ng appropriations committee.
“Noong una nagdududa ang ilan na baka hindi umabot ang 2021 budget dahil bagito ang Chairman ng Appropriation, pero pinawi natin ang pangamba nila,” pahayag ni Yap.
Si Yap ay first nominee at miyembro ng ACT-CIS Partylist na siyang may pinakamaraming nakuhang boto noong nakalipas na election.