MANILA, Philippines — Simula ngayong araw muling ipapatupad ang truck ban sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa abiso ng MMDA, magsisimula ang muling implementasyon ng truck ban ngayong araw ng Lunes, December 14, 2020.
Mayroon anilang total truck ban sa EDSA (Magallanes Interchange hanggang North Avenue), 24 oras mula Lunes hanggang Linggo.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, hindi na papayagan ang mga trak sa EDSA mula 6 a.m. hanggang 10 a.m. at mula 5 p.m. hanggang 10 p.m. tuwing Lunes hanggang Sabado.
“Well, kasama na ang lahat po ng policies na saklaw po nung truck ban natin, lalo na po sa mga major thoroughfares na hinahawakan po ng MMDA balik na po ‘yung truck ban.”
“Meron po kasi tayong tinatawag na mga light trucks, no, saka ‘yung mga vans po na kung maaalala po natin meron rin po tayong policy sa kanila. ‘Yun po wala pa pong advice para sa ating mga light trucks,” lahad pa ng tagapagsalita.
“Pero ‘yung mga trucks po, ito po ‘yung malalaking sasakyan. Alam naman po ng mga truckers natin ‘yan kung sino po ang hindi maaring dumaan ng EDSA.”