^

Police Metro

Truck ban sa Metro Manila aarangkada ngayon

Ludy Bermudo - Pang-masa
Truck ban sa Metro Manila aarangkada ngayon
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pia­lago, hindi na papayagan ang mga trak sa EDSA mula 6 a.m. hanggang 10 a.m. at mula 5 p.m. hanggang 10 p.m. tuwing Lunes hanggang Sabado.
File

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw muling ipapatupad ang truck ban sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa abiso ng MMDA, magsisimula ang muling implementasyon ng truck ban ngayong araw ng Lunes, December 14, 2020.

Mayroon anilang total truck ban sa EDSA (Magallanes Interchange hanggang North Avenue), 24 oras mula Lunes hanggang Linggo.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pia­lago, hindi na papayagan ang mga trak sa EDSA mula 6 a.m. hanggang 10 a.m. at mula 5 p.m. hanggang 10 p.m. tuwing Lunes hanggang Sabado.

“Well, kasama na ang lahat po ng policies na saklaw po nung truck ban natin, lalo na po sa mga major thoroughfares na hinahawakan po ng MMDA balik na po ‘yung truck ban.”

“Meron po kasi ta­yong tinatawag na mga light trucks, no, saka ‘yung mga vans po na kung maaalala po natin meron rin po tayong policy sa kanila. ‘Yun po wala pa pong advice para sa ating mga light trucks,” lahad pa ng ta­gapagsalita.

“Pero ‘yung mga trucks po, ito po ‘yung malalaking sasakyan. Alam naman po ng mga truckers natin ‘yan kung sino po ang hindi maaring dumaan ng EDSA.”

TRUCK BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with