^

Police Metro

Malls at matataong lugar bantay-sarado

Ludy Bermudo - Pang-masa
Malls at matataong lugar bantay-sarado
Nabatid na nag-deploy na ng karagdagang puwersa mula sa mga lokal na presinto para sa police visibility na magpapaalala sa publiko kaugnay sa minimum health standards na ipinatutupad dahil sa banta na rin coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mapigilan ang anumang krimen.
AFP/Ted Aljibe

70% ng pulis mula presinto ikinalat sa Maynila

MANILA, Philippines — Nasa 70 porsyento ng mga nakatalagang pulis sa presinto ang ipinakalat na ni Manila Police District director, P/Brig. Ge­neral Leo Francisco sa mga malls, simbahan at iba pang matataong lugar sa Maynila upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga tao  ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Nabatid na nag-deploy na ng karagdagang puwersa mula sa mga lokal na presinto para sa police visibility na magpapaalala sa publiko kaugnay sa minimum health standards na ipinatutupad dahil sa banta na rin coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mapigilan ang anumang krimen.

“Ang kuwenta namin dapat na 70% ng mga tauhan ng bawat presinto ay dapat na makita sa istasyon,” ani Francisco.

Kabilang dito ang pagtatalaga ng mga pulis sa malapit sa entrance at exit ng mga malls para makatulong sa mga house security ng malls at checkpoints sa panulukan ng C.M. Recto Avenue at Ylaya Streets  sa Divisoria. Gayundin ang police visibility na ipatutupad sa mga paligid ng malls at simbahan sa iba pang lugar sa lungsod.

MALLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with