Pinas nalaos ng bansang Laos sa internet speed
MANILA, Philippines — “Nalaos pa ang Pilipinas ng Laos na pang-22 sa internet speed.”
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque at hindi masaya ang Malacañang sa estado ng telekomunikasyon ng Pilipinas na pang-33 sa hanay ng mga bansa sa Asya sa mobile broadband speed.
“Samantalang ang Thailand ay nasa number 16, ang Vietnam ay nasa number 18, at ang Laos ay nasa number 22 – nalaos pa po tayo sa Laos,” ani Roque.
Sinabi ni Roque na bagaman at nag-“improved” na ang bilis ng mobile broadband ng 94.35% mula sa dating 7.44Mbps noong Hulyo 2016, naging 14.46 Mbps noong Pebrero 2019, nasa gitna pa rin ng ranking ang Pilipinas.
“Narinig din natin mula sa National Telecommunications Commission kung nasaan ang Pilipinas kumpara sa mga karatig-bansa sa Asya. Hindi po tayo masaya na tayo ay nasa gitna ng ranking,” ani Roque.
Sinabi pa ni Roque na halos walang pinagbago ang bilis ng mobile broadband speed kahit pa nagalit na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Related video:
- Latest