^

Police Metro

Mga adik sa shabu, marijuana na ang tinitira

Malou Escudero - Pang-masa
Mga adik sa shabu, marijuana na ang tinitira
Ito ang naging pahayag ni Interior and Local Go­vernment Sec. Eduardo Año kasunod ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Kapansin-pansin na bumabalik sa paggamit ng marijuana ang adik dahil hirap silang makakuha ng suplay ng shabu.

Ito ang naging pahayag ni Interior and Local Go­vernment Sec. Eduardo Año kasunod ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga.

Binanggit ni Año ang pagkakaaresto kamakailan sa tatlong katao sa EDSA, Balintawak sa Quezon City na nagresulta sa pagkakakumpiska sa 128 kilo ng marijuana.

Noong November 24 ay mayroon din aniyang tatlong plantasyon ng marijuana na nadiskubre ang PNP.

Nagresulta ito sa pagsunog sa mga pananim na marijuana sa 28,000 na ektaryang lupain at aabot sa mahigit P5 milyon ang halaga.

Ayon pa kay Año, si­mula noong January 1 hanggang September 30 ang PNP at ang PDEA ay nakapagsagawa ng ope­rasyon kontra ilegal na droga na nagresulta sa pag­kakakumpiska ng mga shabu, cocaine at ecstasy na aabot sa P12.47 billion ang halaga.- Mer Layson

MARIJUANA

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with