‘Mass gathering’ probe vs Manny at Harry, Ikinasa ng DILG
MANILA, Philippines — Isang “fact-finding investigation” ang ikakasa ni Interior Secretary Eduardo Año ukol sa mga napaulat na mass gathering issue nina presidential spokesperson Harry Roque at Senator Manny Pacquiao.
Base sa mga ulat na nagresulta umano ang mga pagdalaw ng dalawa sa magkahiwalay na lugar ng malakihang tumpok ng mga tao kung saan nabalewala na ang social distancing.
“We will make sure na magkaroon ng fact-finding diyan at kung merong dapat managot ay titignan namin,” ani Año sa isang interbyu.
Nitong Biyernes nang magsalita si Roque sa malaking tumpok ng tao sa Cebu dahil sa pagbubukas ng Bantayan Island Airport.
Kumalat din naman ang litrato ni Senator Pacquiao na nagsasalita sa harap ng maraming tao sa Batangas kung saan hindi na naipatutupad ang social distancing.
“Nananawagan tayo sa lahat, including government officials, kung meron kayong activities at hindi niyo kayang ipatupad ‘yung health standards particularly [social] distancing.
Samantala, sinabi nina Roque at Pacquiao na welcome sa kanila ang ikakasang fact-finding investigation kaugnay sa mass gatherings na kanilang dinaluhan kung saan nilabag umano nila ang social distancing protocols. - Gemma Garcia
- Latest