^

Police Metro

Tiamzon couple kulong ng habambuhay

Angie dela Cruz - Pang-masa
Tiamzon couple kulong ng habambuhay
Benito at Wilma Tiamzon

Guilty sa kidnapping at serious illegal detention...

MANILA, Philippines — Habambuhay na pagkabilanggo na aabot sa 40 taon ang inihatol ng Que­zon City Regional Trial Court laban sa mag-asawang National Democratic Front (NDF) peace consultants Benito at Wilma Tiamzon  matapos mapatunayang nagkasala sa kasong kidnapping at serious illegal detention noong  1988.

Bukod sa life impri­sonment, inatasan din ni QC Presiding Judge Alfonso Ruiz II na magbayad ng P75,000 bilang moral da­mages, P75,000 bilang civil indemnity at P75,000 bilang exemplary damages sa complai­nant na si Lt. Claro Casis.

Ang kaso ay nag-ugat sa pagdukot kina Army Lts. Clarito Santos, Oscar Singson, Rommel Salamanca, at Abraham Claro Casis ng AFP at Sgt. John Jacob ng  Philippine Narcotics Command sa Quezon province noong June 1, 1988.

Nakasaad sa charge sheet na naisampa noong June 26, 1990, ang mga dinukot na military per­so­nnel ay itinago ng 75 araw sa Mauban, Quezon.

Ang mag-asawang Tiamzon ay unang napalaya noong 2016 matapos payagan ng korte sa Maynila na makapagpiyansa upang makiisa sa  peace talks sa pagitan ng rebeldeng komunista at ng pamahalaan pero naibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usa­ping pangkapayapaan at muling nagkaroon ng negosasyon noong  2017.

Noong 2018, ini­utos ng QC court na mu­ling ares­tuhin ang mag-asawang Tiamzon at kapwa akusadong si Adelberto Silva dahil sa paghinto ng  peace talks.

Pinaniwalaan ng QC court ang testimonya ni Casis na nagsabing sila ay papunta ng Maynila nang dukutin ng mga rebeldeng NPA sa may boundary ng Tiaong at Candelaria Quezon at sila ay ikinulong mula June 18, 1988  hanggang August 12, 1988 at nakakalabas lamang pag may personal na kailangan at may interrogation.

Sinabi ni Casis na noong sila ay nakapiit ay nakita niya ang mag-asawang Tiamzon na nangangasiwa ng miting sa iba pang miyembro ng grupo.

Hindi naman nakum­binsi ang korte sa pahayag ng depensa na hindi ang mag-asawang Tiamzon ang nakita ng complainant at nakilala lamang ito sa mga  litrato sa mga pahayagan at sa mga litrato na naipakita dito ng militar makaraan itong makalaya.

Ayon sa korte, maliwanag na nakita at na­mukhaan ni Casis ang mag-asawa kahit na ito ay nasa loob ng kanyang selda.

Naestablisa rin ni Casis na ang mag-asawang Tiamzon ay may kinalaman at sabwat sa grupong kumidnap sa kanila at nagkulong sa kanila ng mahabang panahon.

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with