100% attendance hiningi sa mga hepe...
MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Brig. Gen. Vicente Danao, Jr., ang sinumang pulis na mapapatunayang mga 15/30 o yun mga pumapasok lang sa opisina para kumuha ng sahod.
Kaya naman para malaman niya ang mga ito ay obligahin ang lahat ng district directors at station commanders na isumite sa kanya ang 100% attendance ng mga pulis.
Hindi umano mangingiming kasuhan ni Danao ang mga district directors at mga station commanders na mabibigong ibigay ang attendance ng mga pulis.
Aniya, magsasagawa siya ng surprise visit sa lahat ng police station at kung hindi maibibigay ang listahan ng personnel, agad niyang idedeklarang AWOL ang mga ito.
“Wag niyo akong binobola dito, mas matagal akong naging hepe sa inyo, magtrabaho tayo ng tapat na may tapang at malasakit, totoong trabaho lang!,” pagwawakas ni Danao.