^

Police Metro

P2 bilyong pondo para sa Dept.of Water Resources, aprub

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pansamantalang inaprubahan ng House Committee­ on Appropriations ang P2-bilyong pondong laan para sa panukalang Department of Water Resources (DWR) na lilikhain ng National Water Act bill na kasalukuyang tinatalakay sa Kongreso.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, senior vice chairman ng House Committee on Appropriations, ang National Water Act bill ay tugon sa malawakang hiling­ ng publiko para sa higit na maayos at mabisang serbisyo sa tubig na paulit-ulit na ring binanggit ni Pangulong­ Duterte.

Layunin ng panukala na pagsama-samahin sa ilalim ng iisang bubong at isaayos ang hindi magkakatugmang mga panuntunan at sistema sa pamamahala sa tubig ng iba’t ibang ahensiya tungo sa higit na mabisa at batay sa agham na pangangalaga at wastong paggamit nito.

Napuna ni Salceda na ang patuloy na pagsasapawan ng hindi magkakatugmang panuntunan at panganga­siwa sa tubig ng iba’t ibang ahensiya ay humahadlang sa pagbuo ng maayos at mabisang lunas sa mga problemang kaugnay sa pag-aagawan, hindi patas na paggamit, at awayan sa tubig ng mga gumagamit nito, lalo na sa mga lugar na sadyang bawas na ang tubig.

DEPARTMENT OF WATER RESOURCES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with