14 quarry operators sa Albay lumabag sa batas

“Based doon sa aking information, na-finalized na ‘yung report, ang initial report diyan we have already identified at least 14 quarry operators na talagang nag-violate ng environmental laws natin,” pahayag ni Environment Undersecretary Jonas Leones.
STAR/File

MANILA, Philippines — Labing-apat na quarry operators ang natuklasang lumabag sa batas pangkapaligiran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Based doon sa aking information, na-finalized na ‘yung report, ang initial report diyan we have already identified at least 14 quarry operators na talagang nag-violate ng environmental laws natin,” pahayag ni Environment Undersecretary Jonas Leones.

“’Yung siyam diyan, nakita namin ang operators talagang nag-exceed na sila sa area na allowed sa kanila. Umakyat na sila. ‘Yung apat naman, talagang nag-o-operate with expired permits,” dagdag nito.

Sinuspinde na ang quarry operation na lumabag sa batas.

Ang imbestigasyon ay isinagawa matapos humagupit ang Bagyong Rolly kung saan lumubog sa lahar ang 300 kabahayan sa Barangay San Francisco sa Guinobatan.

Show comments