^

Police Metro

Duterte kay Robredo ‘pag tumakbo kang Pangulo, waswasan kita!

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte kay Robredo âpag tumakbo kang Pangulo, waswasan kita!
Ito ang banta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na matatapos ang termino sa June 2022 kay Vice-President Leni Robredo kapag tumakbong pangulo sa 2022 election.
STAR/File

MANILA, Philippines — “Marami ako sabihin sa’yo. Reserba ko na lang.When you start your campaign, ‘waswasan’ kita. This is your nightmare”.

Ito ang banta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na matatapos ang termino sa June 2022 kay Vice-President Leni Robredo kapag tumakbong pangulo sa 2022 election.

Sa public address ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay pinasaringan din nito si Robredo tungkol sa kung nasaan ito tuwing gabi.

“Kung sabihin ko tuloy sa iyo, what time did you go home? Ikaw noong gabi, anong oras ka umuwi? Isang bahay ka lang ba? Dalawang bahay ka? Tatanong lang ako kasi congressman ka. At kaninong bahay ka natagalan? Iyan ang sabihin ko sa iyo,” ani Duterte.

Sinabihan din ni Duterte si Robredo na huwag masyadong pumorma dahil hindi pa nito panahon.

“So huwag ka masyadong porma-porma, hindi mo talaga panahon. Hindi mo pa panahon. Not time to be making a grandstan­ding coming up with… Hindi ninyo alam na nagtatrabaho ako,” ani Duterte.

Tinawag din ni Pangulong Duterte na sinunga­ling si Robredo dahil sa umano’y paghahanap sa kaniya noong nanalasa ang bagyong “Ulysses.”.

Ipinaliwanag ng Pa­ngulo na nasa online ASEAN Summit siya nang manalasa ang bagyo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na si Robredo ang nagpasimula ng nasabing #NasaanAngPangulo  na nag-trending din noong bagyong “Rolly.”

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with