^

Police Metro

Tanim-puno muna, bago lisensiya

Malou Escudero - Pang-masa
Tanim-puno muna, bago lisensiya
Ito ang sinabi ni Pre­sidential Spokesperson Harry Roque na isang pangmatagalang solusyon kontra sa baha ang pagtatanim ng maraming punong kahoy.

MANILA, Philippines — Bago makakuha ng lisensiya sa gobyerno ay balak ng Malacañang na magtanim muna ng puno ang mga estudyante.

Ito ang sinabi ni Pre­sidential Spokesperson Harry Roque na isang pangmatagalang solusyon kontra sa baha ang pagtatanim ng maraming punong kahoy.

Ang panukala ay unang inilutang ni Department of Transportation Arthur Tugade para sa mga kukuha ng prangkisa.

Tiniyak ni Roque na magiging polisiya ng gobyerno na obligahin ang mga mamamayan na magtanim ng puno.

“Iyan po ay magi­ging polisiya. Iyan po ay minungkahi ni Secretary Tugade sa lahat ng kukuha ng prangkisa, pero iyan po ay ipatutupad niya,” ani Roque.

Makikipag-ugnayan din aniya ang Malacañang sa Department of Education para sa nasabing proyekto.

“At makikipag-ugnayan din po tayo sa DepEd at iba-iba pang mga ahensiya para ang mga estudyante, ang lahat ng mga kumukuha ng lisensiya sa gobyerno ay ma-require po na magtanim ng puno dahil alam po natin na isa sa long-term solution para maiwasan itong ganitong kalalang pagbaha na na-experience dito sa Cagayan ay ibalik po natin ang mga puno sa mga kabundukan,” ani Roque.

Nauna rito, isinisi sa illegal logging ang naranasang pagbaha sa iba’t ibang panig ng Luzon.

HARRY ROQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with