MANILA, Philippines — Dinepensahan ng Malacañang ang “sex jokes” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang isinasagawa ang situation briefing sa Camarines Sur.
Binigyang diin ni Presidential spokesperson Harry Roque na nais lang pagaanin ng Pangulo ang “mood” habang nakabalot pa rin ang bansa mula sa epekto ng mga nagdaang bagyo. Ani Sec. Roque, na paraan lamang ng Pangulo o kahit na sinumang Filipino ang mag-joke o magpatawa para pagaanin ang problema.
Makaraan ang mahigit 40 minuto ng talakayan hinggil sa gagawing pagtugon ng pamahalaan sa bagyong Ulysses na humagupit sa ilang parte ng Luzon, nagtapos ang briefing ng Chief Executive sa isang jokes o biro na may “sexual innuendos” sa nakapalitan niya ng jokes sa isa sa lokal na opisyal na dumalo sa briefing.
“Classmate kami. Classmate ko ito sa law school. Brod ko pa. Pero naubos ang panahon niya sa ano. Medyo tumanda na. Nakakatanda talaga yan. Sobrang babae? Nakakatanda yan,” ani Pangulong Duterte. Bilang tugon, sinabi ng lokal na opisyal na siya ay “actually undersexed” na di umano ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, na dumalo rin sa briefing.
Related video: