Bus firm naghatid ng ayuda sa sinalanta ng bagyo
MANILA, Philippines — Nagbayanihan ang ilang bus companies para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Isabela at Cagayan.
Dalawang bus ng Five-Star Bus ang nagtungo sa Cagayan at Isabela province para magsagawa ng relief operation sa mga sinalanta ng naturang bagyo doon.
Ayon kay Gian Couton, Coordinator ng Tulong Cagayan ipinabatid nito sa publiko partikular na sa mga grupong nais tumulong sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng bagyong Ulysses sa Cagayan Valley at Isabela na ang kanilang mga bus ay handang tumulak at maghatid ng mga relief goods patungo sa Cagayan Valley at Isabela.
Nanawagan din ito sa mga good Samaritan na nais tumulong ay maaari nilang ipadala ang kanilang mga donasyon sa kanilang terminal ng Five-Star sa Edsa Cubao upang ipadala ang kanilang mga ibibigay na donasyon patungong Cagayan Isabela na kayang puntahan kahit pinakamalayong lugar sa bahagi ng Norte.
- Latest