^

Police Metro

Klase sa Marikina, suspendido ng 1-buwan

Mer Layson - Pang-masa
Klase sa Marikina, suspendido ng 1-buwan
Ipinaliwanag ng alkalde na ang suspensiyon ay dahil sa nananatili pa ring unstable ang internet connection sa lungsod at nasira ng bagyo ang mga modules ng mga mag-aaral sa lungsod matapos na malubog sila sa baha.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Nagpasya si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na suspendihin na ng isang buwan ang klase sa lahat ng antas sa lungsod dahil sa matinding pinsalang idinulot ng bagyong Ulysses.

Ipinaliwanag ng alkalde na ang suspensiyon ay dahil sa nananatili pa ring unstable ang internet connection sa lungsod at nasira ng bagyo ang mga modules ng mga mag-aaral sa lungsod matapos na malubog sila sa baha.

“One month suspension [of classes] from this week, starting today (November 16) and for the next four weeks,” anunsiyo ni Teodoro kahapon, sa isang panayam ng mga mamamahayag, sa isinagawang relief operation ng national government sa lungsod, sa pangunguna nina Sen. Christopher Go, Trade, Industry Sec. Ramon Lopez,  PCSO Charity Assistance Department OIC Manager Jerusa Corpuz, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.

Sinabi ng alkalde na nais niyang mabigyan ng sapat na panahon ang mga school officials na mag-reproduce at makapag-distribute muli ng mga learning modules sa kanilang mga mag-aaral.

Mabibigyan din aniya nito ng sapat na panahon ang lokal na pamahalaan at mga residente na makapagsagawa ng clean-up operation dahil malaking bahagi pa ng lungsod ang nananatili pa ring natatabunan ng putik, kasunod ng malawakang pagbaha dahil sa bagyo.

Aminado naman ang alkalde na posible pang mapalawig ang suspensiyon ng klase kung hindi pa handa ang mga estudyante, gayundin ang mga learning materials na kanilang gagamitin.

Matatandaang isa ang Marikina sa pinakama­tinding tinamaan ng hagupit ng bagyong Ulysses, kaya’t malaking bahagi nito ang binaha, matapos na umapaw ang water level ng Marikina River ng hanggang 22 metro.

KLASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with