Sotto binuweltahan si Salceda sa gastos ng pagpapagawa ng senate building at pagtatatag ng DDR

MANILA, Philippines — ‘Unfair’ na punahin ang senado sa paggastos ng P10 bilyon sa pagpapagawa ng senate building at pagtatatag ng P2 bilyon halaga ng Dept. of Disaster Resilience (DDR).

Ito ang buwelta ni Senate President Tito Sotto kay Albay Rep. Joey Salceda City at hindi patas na ikumpara ang ginastos sa senate building dahil wala itong kinalaman sa isyu ng pagtayo ng ibang departamento.

Anya, hindi naman ang mga kasalukuyang nakaupong Senador ang makikinabang sa modernong gusaling ipinatatayo kundi ang susunod na Senado na makatitipid ng malaki kumpara sa uupa pa sa GSIS ng P171-M kada taon.

Magugunita na bina­tikos ni Salceda ang Senado na tumututol sa pagbuo ng DDR na ang katwiran ay kawalan ng pondo, pero bakit nahanapan ng P10-B ang Senate Building ay dapat bukas din sa paggasta sa DDR na siyang tutugon sa problema ng bansa sa panahon ng kalamidad.

Sa kabila ng pagtutol ng Senado, nanindigan ang Kamara na dapat isabatas ang DDR, bukod sa priority bill ito ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ay may pangangailangan para magkaroon na ng isang ahensya na tututok sa mga kalamidad.

Ngunit para sa Senado, kahit ipilit pa ng mga Kongresista ay hindi magandang ideya ang DDR at mas marami pang senador ang nagpahayag ng pagtutol dito.

Show comments