Marikina isinailalim sa state of calamity

Anya, sa pamamagitan ng pagsasailalim sa kanilang lunsod sa state of calamity ay magagamit ang kanilang calamity funds para maayudahan ang mga apektadong residente.
Walter Bollozos/File

MANILA, Philippines — Dahil sa naging pinsala ng bagyong Ulysses ay isinailalim ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa state of calamity ang lungsod.

Ito ay upang bigyang pagkakataon ang mga residente na makabangon mula sa epektong dinulot ni Ulysses sa kanilang pamilya at kabuhayan.

Anya, sa pamamagitan ng pagsasailalim sa kanilang lunsod sa state of calamity ay magagamit ang kanilang calamity funds para maayudahan ang mga apektadong residente.

Hindi lamang anya sa baha, epekto ng Covid-19 pandemic naapektuhan ang mga taga-Marikina kundi maging ang mga mag-aaral dahil suspendido pa rin dito ang distance learning classes hanggang sa darating na Martes.

Show comments