^

Police Metro

12 katao todas sa hagupit ni ‘Ulysses

Doris Franche - Pang-masa
12 katao todas sa hagupit ni ‘Ulysses
Ilan lang ito sa mga pinsala ng pananalasa ng bagyong Ulysses sa Luzon at Metro Manila.

Pader gumuho sa Cavite…

MANILA, Philippines — Tinatayang 12 ka­tao ang naiulat na nasawi sa paghagupit ng bagyong Ulysses sa ilang karatig lalawigan tulad sa lalawigan ng Cavite na ikinasawi ng tatlong katao kahapon.

Sa ulat ng Office of Civil Defense 5, natagpuan ang 68-anyos na lalaki na walang buhay sa kanyang bubungan sa Daet, Camarines Norte habang nadulas at bumagsak sa semento ang 70-anyos na lalaki na aktong tatayo mula sa kanyang kama. Habang apat naman ang nawawala, tatlo sa bayan ng Vinzon at isa sa Mercedes habang walo rin ang naitalang sugatan.

Nabagsakan naman ng puno ng bamboo ang bahay ng isang 60-anyos na lalaki sa Benguet na hindi na nakalabas pa. Habang nabagsakan at naipit ng puno ang isang bata sa Cainta, Rizal.

Sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Nueva Vizcaya ang limang katao ang kumpirmadong nasawi habang 9 iba pa ang nawawala matapos matabunan ng landslide ang kanilang mga bahay sa magkakahiwalay na lugar.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Julie Ann Tanasa, 15, ng Sitio Kinalabasa, Barangay Runruno; 2 bangkay naman ng lalaki ang narekober sa Sitio Compound habang dalawang iba pang bangkay ang nakuha naman sa Sitio Bit-ang sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Maj. Jesus Ventura, hepe ng Quezon PNP, natutulog sa loob ng kanilang tahanan ang biktimang si Tanasa kasama ang kanyang nanay nang biglang gumuho ang lupa, kahapon ng madaling araw.

Mapalad naman na nakalabas ng bahay ang ina ng biktima na agad humingi ng tulong sa mga kapitbahay. Sa kasalukuyan ay pinaghahanap ang 2 iba pa na sinasabing nawawala mula sa Sitio Compound habang 7 iba pa ang nawawala sa Sitio Bit-ang.

Sa Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite ay tatlong construction workers ang nasawi matapos na sila ay mabagsakan ng gumuhong pader kahapon ng alas-4:00 ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Romeo Cabanillas; Annabel Cabanillas at Angelo Rome Cabanillas,pawang mga  stay-in sa barracks ng ginagawang pabrika.Habang mga nasugatan na kritikal ang kalagayan sa ospital ay kinilalang sina Rolly Dijal, 23 tubong Davao;Jomer Blesari, 27; at Dennis Maqui­ling, 38. - Jorge Hallare, Victor Martin, Cristina Timbang

BAGYONG ULYSSES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with