^

Police Metro

Ex-Ph envoy to Brazil inasunto sa pang-aabuso

Gemma Garcia - Pang-masa
Ex-Ph envoy to Brazil inasunto sa pang-aabuso
Magugunita na agad pinabalik sa bansa ni Locsin si Mauro nang maipalabas sa television news sa Brazil ang CCTV footages sa diplomat house ng Phi­lippine Embassy.
(Screengrab from Globo News/via Fantastico)

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. na nasampahan na ng kaso si dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro dahil sa diumano’y ilang ulit na pang-aabuso sa kan­yang Pinay na kasambahay.

Ngunit, hindi nabanggit ni Locsin kung ang naisampa laban kay Mauro ay kasong kriminal o administratibo.

Sinabi lang niya na alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasong kinahaharap ni Mauro.

Magugunita na agad pinabalik sa bansa ni Locsin si Mauro nang maipalabas sa television news sa Brazil ang CCTV footages sa diplomat house ng Phi­lippine Embassy.

Mapapanood sa footages ang ilang pagkaka­taon na sinaktan ni Mauro ang kanyang kasambahay na Filipina.

Nakabalik na sa Koro­nadal City sa South Cotabato ang kasambahay at nabigyan na rin ito ng DFA ng P200,000 bilang tulong-pinansiyal.

PHILIPPINE AMBASSADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with