Duterte binati si Biden sa pagkapanalo

“On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to former Vice President Joseph “Joe” Biden on his election as the new President of the United States of America,” ito ang mensahe ng Malacañang sa pagkapanalo ni Biden bilang bagong Pa­ngulo ng Estados Unidos.
AFP

MANILA, Philippines — “Congratulations and we wish him all the best.”

“On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to former Vice President Joseph “Joe” Biden on his election as the new President of the United States of America,” ito ang mensahe ng Malacañang sa pagkapanalo ni Biden bilang bagong Pa­ngulo ng Estados Unidos.

Ani Sec. Roque, ang Pilipinas at Estados Unidos ay mayroong  “long-standing bilateral relations” at committed na mas paghusayin pa ang relasyon sa Amerika sa ilalim ng Biden admi­nistration.

“We look forward to working closely with the new administration of President-elect Biden anchored on mutual respect, mutual benefit, and shared commitment to democracy, freedom and the rule of law,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito, dineklara na ng ilang international media outlet na panalo si Joe Biden sa 2020 US elections nitong Linggo ng hatinggabi, oras sa Pilipinas.

Sa ilang news agency tulad ng NBC, Fox News at CNN, binigay na kay Biden ang panalo sa Pennsylvania, na may 20 electoral votes.

Ibig sabihin ay lumampas na sa 270 boto ang nasungkit ng da­ting bise presidente para makuha ang puwesto sa White House.

Sa naturang state, lamang ng 34,000 si Biden kontra kay incumbent US President Donald Trump na 99 percent na ang nabilang na boto.

Samantala, naglabas naman agad ng pahayag si Trump kung saan pinabulaanan nito ang report ng media tungkol sa pagka­panalo ni Biden.

“Joe Biden has not been certified as the winner of any states, let alone any of the highly contested states headed for mandatory recounts,” ayon kay Trump, kung saan giniit na ‘legal votes’ ang dapat pagbasehan at hindi ang media.

Show comments