Duterte pinagbibitiw ang mga korap na opisyal ng DPWH

Ito ang sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na dapat nang magbitiw sa puwesto ang mga tiwaling opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) partikular na ang mga sangkot sa “partial deli­very” at “ghost projects” sa ahensiya.
STAR/File

MANILA, Philippines — “Kayong may kasalanan diyan, I advise you to resign now. Resign now. Kasi pagdating ng panahon, I will throw the book at you.”

Ito ang sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na dapat nang magbitiw sa puwesto ang mga tiwaling opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) partikular na ang mga sangkot sa “partial deli­very” at “ghost projects” sa ahensiya.

Siniguro rin ni Duterte na mahaharap sa mga kaso at mapapanagot din ang mga tiwaling opisyal sa DPWH.

Para naman umano matukoy ang mga “ghost projects” at para masampolan na ang mga sangkot dito ay ipinag-utos na rin ng pangulo ang pagsasagawa ng auditing sa mga proyekto.

Sinabi naman ni Presidential spokesman Harry Roque, na ang Department of Justice (DOJ) na nangunguna sa task force ang siyang magsasagawa auditing sa mga infrastructure projects.

Sa kabila nito, wala namang binanggit si Roque sa Laging Handa briefing na eksaktong proyekto ng DPWH ang isasailalim sa imbestigasyon o auditing.

Hintayin na lamang umano ang magiging report ng expanded task force na binuo ng presidente para magdetermina kung anong mga proyekto ang iimbestigahan.

Related video:

Show comments