MANILA, Philippines — Nanawagan si Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda ng ayuda para sa kanyang distrito na matindi at lubhang sinalanta ng bagyong Rolly na kung saan malawakang kasiraan ang iniwan na tinatayang aabot sa P2.1 bilyon ang halaga.
Nasa 20,494 pamilya na binubuo ng mga 66,328 katao ang ngayo’y kasalukuyang nakasilong sa mga ‘evacuation centers’ sa distrito, gaya ng mga sumusunod: Camalig, 6,648 pamilya; Manito-1,647 pamilya; Rapu-rapu-2,052 pamilya; Legazpi City – 6,439 pamilya; Daraga -- 3,708 pamilya. Nabatid na nasa 450 kabahayan ang matinding nagiba, at 768 ang bahagyang nasira.
Pakiusap ni Salceda sa mga nais tumulong ay makipag-ugnayan at tumawag sa mga sumusunod: Atty. Carol Sabio (0917 253 8813); Justin Jay Bolanos (09175788215/0923 729 3443); Zaldy Santillan (0925 852 4174).
Para naman sa mga nais magkaloob ng tulong pinansiyal ay mangyari lamang na magdeposito sa:TAYO, Inc Metrobank Team Albay Youth Organizations, Inc.,595-7-59500460-4; GCash Cathlea E. Madrona (09561633980); at Palawan Express, Asher Jade T. Azul (09065910447).